Tinawag ni dating Navy chief na ngayon ay retired vice admiral Robert Empedrad ang mga alegasyon ni dating Senator Antonio Trillanes IV bilang pawang mga kasinungalingan.
Si Empedrad ay kabilang sa mga sinampahan ng dating senador ng plunder at graft case kasama sina dating PRRD at Sen. Christopher Go.
Sa isang pahayag, sinabi Empedrad na malinis ang kanyang konsensya at wala siyang ibang pagpipilian kungdi ang depensahan ang kanyang sarili.
Tinukoy din ng retiradong opisyal ang pagharap niya noon kapwa sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso, kasama na ang aniya’y pangigisa sa kanya ng Commission on Appointments.
Sa kabila nito ay nalagpasan umano niya ito at tuluyang naging flag-officer-in-command(FOIC).
Ayon kay Empedrad, naging consistent siya sa lahat nang ito at walang natukoy o nakitang anumang anomalya kaya’t tuluyan siyang kinumpirma bilang flag officer.
Si Empedrad ang nagsilbing chairman ng Navy technical working group na bumuo sa technical specifications ng kontrobersyal na frigate na binili noong panahon ni dating PRRDat siyang pinagbasehan ni Trillanes sa kanyang inihaing reklamo.
Ang mga naturang frigate ay ang ginagamit na ngayong BRP Jose Rizal at BRP Andres Bonifacio na nai-deliver sa Pilipinas noong 2020 at 2021.
Ang mga ito ay silang ginagamit na ngayon para maprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Phil Sea.