Tinanggap na ni NBA analysts at dating Clippers shooting guard JJ Redick ang offer sa kanya ng Los Angeles Lakers na maging head coach ng koponan.
Bagaman sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw ang kabuuang kontrata ni Redick, lumalabas na inalok mismo ni Lakers owner Rob Pelinka ang posisyon sa kanya at agad din naman itong tinanggap ng dating NBA guard.
Agad namang naghanap si Redick ng mga makakasama niyang coach at staff kasunod ng pagtanggap sa posisyon.
Sa buong karera ni Redick sa NBA, hindi pa nito nagawang maging coach sa anumang team ng liga. Una siyang nagretiro noong 2021, kasunod ng 15 season na kanyang paglalaro sa anim na magkakaibang NBA team.
Kasunod ng kanyang pagreretiro noong 2021, agad siyang pumasok bilang NBA analyst.
Maalalang tinanggal ng Lakers ang kanilang dating head coach na si Darvin Ham noong Mayo, kasunod ng dalawang season niya sa Lakers.
Sa pagsisilbi ni Ham bilang headcoach ng Lakers, nagawa niyang ipasok ang koponan sa Western Conference Finals ngunit tuluyan din itong natalo sa Denver Nuggets na kinalaunan ay tinanghal bilang NBA Champion.