-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating New Zealand Olympic cyclist na si Olivia Podmore sa edad 24.

Kinumpirma ito ng New Zealand Olympic Committee (NZOC) subalit hindi na sila nagbigay pa ng anumang detalye.

Nanalo ng silver medal sa team sprint at bronze medal naman sa time trial sa 2015 Junior World Championships sa Astana, Kazakhstan ang Christchurch native.

Ang nasabing mga torneo ay siyang naging daan para ma-qualify ito sa 2016 Rio Olympics.

Naging representative siya ng New Zealand sa 2016 Rio Olympics at sa Gold Coast 2018 Commonwealth Games.

Taong 2017 ng ng maging national New Zealand Kerin champion.

Dahil dito ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa pagkasawi ni Podmore.