Guilty ang naging hatol ng Supreme Court laban sa dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lorraine Marie Badoy dahil sa ginawa nitong pagbabanta sa isang trial court judge na nagbasura sa hangarin ng gobyerno na ideklara bilang terorista ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang armed wing nito, ang Bagong Hukbong Bayan, bilang mga teroristang organisasyon.
Batay sa naging desisyon ng korte, sinabi nito na ang vitriolic statements at outright threats ni Badoy laban kay Judge Magdoza-Malagar maging sa Judiciary ay paglabag sa Rule 71, Section 3(d) of the Rules of Court.
Gayundin, inutusan ng mataas na hukuman si Badoy na magbayad ng P30,000 bilang multa at binalaan siya ng mabibigat na parusa kung siya ay gumawa ng parehong pagkakasala.
Kung maaalala, inakusahan ni Badoy si Judge Magdoza-Malagar na ipinagtatanggol ang CPP-NPA matapos ang naging desisyon nito na ang rebellion at political crimes ay hindi kabilang sa mga gawaing pang terorismo.