DAVAO CITY – Hindi kinokonsidera ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sarili na maging drug czar sa kasalukuyang administrasyon.
Ito ang tugon ng dating pangulo matapos ipanawagan ng mga senador na sila Senador Ronald Dela Rosa at Senador Christopher “Bong” Go.
Tinanggihan ng dating pangulo ang panawagan dahil sa kadahilanan na mayroon namang inihalal ng taong bayan na may kapangyarihan upang ipatupad ang batas at resolbahin ang mga krimen sa ating bansa.
Dagdag pa nito sa kanyang programa na ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ dapat hayaan na lamang umano ang kasalukuyang pangulo sa kanyang trabaho at maging ang mga pulis sa paglutas ng iligal na druga at sinabi pa niya na ito ay magdedepende sa usapin ng pamumuno.
Kung matatandaan, lumutang ang panawagang ito matapos ang nangyaring hearing sa senado sa kalakaran ng P6.7 billion hinggil sa iligal na droga na kung saan sinusuportahan naman ito ng bagong PNP Chief na si General Benjamin Acorda, Jr.
Una ng sinabi ng dating pangulo noon pa, na bukas siya sa ideya na ituloy ng susunod na administrasyon ang kanyang pamamaraan sa paglaban kontra illegal na droga.
Pagtitiyak ng dating pangulo na patuloy pa rin niya umanong susuportahan ang kasalukuyang administrasyon sa drug war kahit na baguhin pa ito.