-- Advertisements --
image 167

Ang dating punong ministro ng Pakistan na si Imran Khan ay nanawagan para sa nationwide “freedom” protests, matapos ang kaniyang saglit na pagkakakulong na nagdulot naman ng pagkabagabag.

Ang one-time cricket superstar – na nakaugnay sa dose-dosenang legal cases mula nang mapatalsik sa kapangyarihan noong Abril ng nakaraang taon – ay pinalaya matapos makapagpiyansa noong Biyernes at matapos madeklarang ng Korte Suprema na ang kaniyang pagkakakulong ay labag sa batas.