Pangungunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang political rally ng PDP Laban sa harap ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong sa araw ng Linggo.
Nabatid na dumating doon ang dating presidente kahapon, Marso 7, 2025.
Ilang miyembro ng partido rin ang kasama ni Duterte, pati na ang kanilang malalapit na tagasuporta.
Gaganapin ang event ng PDP Laban sa Southorn Stadium, 111 Johnston Road, Wan Chai, Hong Kong.
Bago ito, lumitaw ang ilang espikulasyon na kaya raw umalis ang dating pangulo dahil sa posibleng paglabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC), bagay na hindi na pinatulad ng panig ni former president Duterte.
Nabatid na ilang taon nang hinihintay ng ilang grupo development ng imbestigasyon ng ICC ukol sa kasong crime agaist humanity ni Duterte, pati na ng iba pang kabilang sa war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon.