-- Advertisements --
Patay ang dating pangulo ng Chile na si Sebastián Piñera matapos na bumagsak ang sinakyan nitong helicopter.
Kinumpirma ng interior minister ng Chile ang pagkasawi ng 74-anyos na dating pangulo.
Kasama nitong nasawi ang apat na ibang katao habang tatlo sa mga kasamahan nito ang nakaligtas.
Narekober ng mga rescuers ang bangkay ng dating pangulo mula sa lugar kung saan bumagsak ang helicopter.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng helicopter.
Ang conservative na pangulo ay namuno sa Chile mula 2010 hanggang 2014 at bumalik noong 2018 hanggang noong nakaraang taon.
Itinuturing na siya ang isa sa mga pinakamayang tao sa bansang Chile.