-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating pangulo ng Greece na si Karolos Papoulias sa edad 92.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya subalit hindi na sila nagbigay pa ng anumang detalye.

Nagsimulang mahalal ang beteranong politiko noong 2005.

Naupo muli ito sa puwesto noong 2010 ng magkaroon ng matinding krisis sa pulitika at bagsak na ekonomiya ang nasabing bansa.

Bago mahalal na pangulo ay naging miyembro ng parliyamento ito mula 1977 hanggang 2000.