Pumanaw na ang dating pangulo ng Mindanao State University (MSU) na si Dr. Ahmad Domocao Engracia Alonto Jr.
Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya ang pagpanaw ni Alonto nitong Oktubre 1.
Ayon naman sa kaniyang manugang na si Trade Undersecretary Adulgani Macatoman na noon pang mga nagdaang araw ay naging mahina na ang pangangatawan nito.
Naging bahagi si Alonto ng anti-Marcos democratic forces noong 1980.
Hinawakan niya ang MSU noong 1986 hanggang tuluyang itinalaga bilang regular term na pangulo mula 1987 hanggang 1992.
Anak siya ng namayapang si Sen. Ahmad Domacao Alonto Sr na killalang pulitikang Maranao at kapatid siya ng dating Lanao del Sur Governor Soraya Alonto-Adiong.
Naging bahagi si Alonto sa negotiating panel ng Moro Islamic Liberation Front na pinamunuan ni Murad Ebrahim.