-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating pangulo ng South Africa na si FW de Klerk sa edad 85.

Ayon sa kampo nito na bumigay na ang kaniyang katawan isang taon matapos na ma-diagnosed na may cancer.

Tinaguriang siya ang huling white person na namuno sa South Africa mula Setyembre 1989 hanggang Mayo 1994.

Noong 1990 ay inanunsiyo niya na kaniyang papakawalan si ang dating pangulo na si Nelson Mandela matapos ang 27 taon.

Nabigyan siya ng Nobel Peace Prize kasama si Mandela dahil sa pagtutulungan para matapos na ang apartheid o ang pagkakawatak ng mga puti at itim.