-- Advertisements --

DAVAO CITY – Personal na iniabot ni dating Pangulong Rodrigo Dutere ang tseke na nagkakahalaga ng Php500,000 bilang reward money sa eyewitness o sa nakasaksi sa nangyaring hit-and-run incident sa McArthur Highway sa Davao City noong Enero 26,2023 na ikinamatay ng 22 anyos na dalagang si Ana MAe Talili.

Habang ibinigay ni Pangulong Duterte ang reward, dumalo din ang pamilya ni Talili kung saan sumang-ayon ang eyewitness na hatian ng P200,000 ang naiwang pamilya ng dalagang biktima.

Matatandaan na nag-alok ng reward money ang dating pangulong Duterte matapos na umabot ng apat hanggang limang araw na wala pa ring natutukoy na responsable sa krimen.

Sinabi din ng dating pangulo na malaki ang galit niya sa mga nanghi-hit-and-run, kaya nag-alok ito ng malaking halaga para sa sinumang makapagtuturo sa taong nakabangga kay Ana Mae.