Pinuna ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakabagong pagtatangka ng mga pulis na arestuhin ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy.
Nagtipon ang mga tauhan ng Philippine National Police sa KOJC compound sa Davao City para isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy, na nahaharap sa kasong human trafficking at sexual abuse.
Isang miyembro ng KOJC ang namatay sa operasyon ng pulisya dahil sa atake sa puso.
Sa pahayag ni Duterte, nakakapanlumo aniya ang kalagayan ng Pilipinas ngayon na hindi nalagay noon ang bansa.
Nakiramay din si Duterte sa mga miyembro ng KOJC na naging biktima ng political harassment, persecution, violence, at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Nananawagan din ang dating pangulo sa mga natitirang disente at makabayang miyembro ng gobyerno na huwag hayaang gamitin at maging abusado sa pagpapatupad ng mga iligal na kautusan.
Hiniling din nito sa lahat ng Pilipino na mag-alay ng panalangin para sa kapayapaan at katarungan at iligtas ang ang mga tao mula sa hindi makatwirang tensyon na dulot ng paghahari ng takot.