-- Advertisements --

Dapat bigyan ng pagkakataon ang ibang indibidwal na mamuno sa bansa, ayon kay dating pangulong Rodrigo Duterte. 

Ang pahayag ni dating pangulong Duterte ay matapos tanungin tungkol sa posibleng kandidatura sa pagkapangulo ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte sa 2028. 

Aniya, tama na ang isang presidente sa isang pamilya. 

Dagdag ng dating pangulo, alam niyang malakas ang laban dahil naging presidente siya ng bansa. Ngunit ibigay na aniya sa iba. 

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni VP Sara na iaanunsyo niya sa 2026 ang kanyang mga plano 

sa halalal o halos isang taon bago maghain ng certificate of candidacy para sa 2028 election.