-- Advertisements --

Pormal na naghain ng kaniyang certificate of candidacy bilang alkalde ng lungsod ng Davao si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama nito ang anak na si Davao City Mayor Sebastian “Baste”Duterte na siyang kaniyang magiging runningmate.

Nagtungo ang mag-ama isang oras bago ang cut-off ng dumating ang dating pangulo sa Commission on Electioins Davao District Office.

Binati ito ng kaniyang mga supporters sa Magsaysay Park kung saan nakatayo ang Comelec office.

Kasabay din nitong naghain ang mga kandidato ng Hugpong sa Tawong Lungsod ang political partyna itinaguyod ng dating pangulo.

Sinabi ng dating pangulo na nais niyang magsilbi mula at titiyakin na magiging maganda ang Davao ngayon kumpara noong nakaraan.

Una rito ay naghain na rin ng kaniyang muling pagkandidato bilang representative ng unang distrito ng Davao na si Paolo Duterte.

Habang ang anak naman ni Rep.Paolo Duterte na si Omar Duterte ay tatakbo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Davao.