-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Positibo na gumagamit ng pinagbabawal na droga ang dating pari na nahuli ng mga otoridad sa drug buybust operation sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si John Baring Ferolin, 42 anyos at nakatira sa Barangay Lower Katingawan Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na nahuli si Ferolin sa inilunsad na buybust operation ng pulisya sa public market sa Matalam Cotabato.

Narekober sa posisyon ng suspek ang isang pakete ng shabu,marked money at drug paraphernalia.

Napag-alaman na si Ferolin ay umalis sa pagka pari sa Mission Society of the Philippines.

Nabatid rin na dati nang nakulong ang suspek sa kasong may kinalaman sa droga noong taong 2016.

Nakapiit na ngayon sa lock-up cell ng Matalam PNP ang suspek at sinampahan na ng kasong paglabag Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.