Ibinunyag sa Kamara ang pangongolekta daw ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager at retired Police Col. Royina Garma ng P1 milyon kada linggo mula sa illegal gambling
Ito ay habang si Garma pa raw ang hepe noon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Davao City.
Ibinunyag ito ni dating Cebu City Congressman at Mayor Tommy Osmeña sa pagdinig ng house quad committee kamakailan.
Isiniwalat din ni Osmeña na ang bagman daw ni Garma ay isang nagngangalang SPO4 Art na ayon kay Rep. Dan Fernandez ay si SPO4 Arthur Solis.
Si Solis ay iniugnay din ng dalawang mga testigo sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords na nakakulong sa Davao Prison and Penal Farm noong Agosto 2016.
May hinala rin si Osmeña na posibleng may nasilip sa PCSO si dating PCSO General Manager Alexander Balutan kaya ito sinibak noon ng dating pangulo.
Si Garma ay unang na-detain sa detention facility ng Kamara matapos itong i-contempt ng Quad Committee dahil sa pagsisinungaling.