Permanente nang na-dismiss sa serbisyo ng gobyerno ang dating ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Jonathan A. Morales.
Ito ay dahil ay umano’y hindi pagsasabi ng totoo at grave misconduct sa pagtatanim ng ebidensya sa isang huwad na drug-bust operation.
Magugunitang, si Morales ay isa sa mga testigo ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, at sa pagdinig ay iginiit na authentic ang mga pre-operation reports na nag-uugnay kay Marcos at aktres na si Maricel Soriano sa droga.
Sa desisyon ng Civil Service Commission (CSC) na ipinahayag noong Hulyo 7, 2014, pinagtibay ng CSC ang desisyon ng PDEA na nagpapatalsik kay dating PDEA agent Jonathan A. Morales, isa sa mga saksi sa tinatawag na “PDEA leaks” inquiry sa Senado.
Ang parehong desisyon ay nagbabawal din sa kanya na kumuha ng anumang civil service examination.
Forfeited din ang retirement benefits ni Morales, kung saan ayon sa tanggapan, nasira nito ang reputasyon ng gobyerno nang iligal na inaresto at gumawa ng ebidensya si Morales laban sa mga inosenteng tao.
Bukod sa binansagang “professional liar” kinumpara rin ng punong ehekutibo si Morales na jukebox at sinabing “Kung anong ihulog mo, basta maghulog ka ng pera, kahit anong kantang gusto mo, kakantahin niya.”