-- Advertisements --

Cebu City – Kritikal ang lagay ngayon sa Police Chief sa Calbayog Leyte na si Police Colonel Joey Yape matapos itong pagbarilin ng riding in tandem sa Molave St. Brgy. Kamputhaw, Cebu City.

Base sa impormasyon na nakuha sa Police Chief ng Abellana PNP na si Pol. Captain Alejandro Quijano na naglalakad si Yape kasama ang asawa nito na papunta sana sa isang mall para kumain.

Subalit tinambangan ito ng riding in tandem at doon pinagbabaril ang biktima at mabuti nalang hindi nadamay ang asawa nito.

May tama ang pulis sa kanyang ulo at iba pang parte sa kanyang katawan.

Base sa mga nakakita sa area nakadinig umano sila ng tatlong putok at doon nakita na nila na nakahandusay na ang biktima sa nasabing lugar.

Tinitingnan ngayon ng Abellana PNP ang lahat ng anggulo kaugnay nito at isa na dito ang tungkol sa trabaho bilang pulis at ang personal grudge.

Dagdag pa sa hepe ng Abellana PNP na fatal ang mga tama ng biktima.

Napag-alaman na meron itong dinaluhan na tatlong araw na seminar dito sa Cebu.

Maalala na dating PIB 7-Chief si Yape dito sa Cebu City bago paman ito nadestino sa ibang rehiyon.