-- Advertisements --

Lalabanan ng dating pinuno ng Philippine National Police na si dating PGen. Oscar Albayalde si dating Pampanga Representative Jonjon Lazatin sa pagka-alkalde ng Angeles City, Pampanga.

Naghain ng kaniyang kandidatura ang dating PNP Chief sa ilalim ng People’s Reform Party, ang partidong itinatag ni dating Senator Miriam Defensor Santiago.

Si Albayalde ay dating nagsilbi sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at isa sa mga nanguna sa drug war ng nakalipas na administrasyon.

Lalabanan ni Albayalde ang isa sa mga miyembro ng pamilya Lazatin na ilang taon nang namamayagpag sa probinsya ng Pampanga.

Si dating Cong. Jonjon Lazatin ang tatakbo sa pagka-alkalde ng Angeles City habang ang kaniyang kapatid na si Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin,ay tatakbo sa pagka-congresista.