Kabilang umano sa pinagpipilian bilang susunod na PNP chief na papalit sa pwesto ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na magreretiro na sa serbisyo sa darating na November 13 ay si dating PNP spokesperson na si Police Lt Gen. Dionardo Carlos.
Si Carlos ang kasakuluyang Chief Directorial Staff (TDCS) ang ika-apat na pinakamataas na opisyal sa PNP na isa sa matunog na pangalan para maging susunod na pinuno ng pambansang pulisya.
Si Carlos ay nagsilbing tagapagsalita ni dating PNP chief retired general at ngayong Sen. Ronald Bato Dela Rosa na siyang kasagsagan ng mainit na kampanya laban sa iligal na droga ng Duterte administration.
Bukod sa pagiging tagapagsalita ng PNP maituturing din na highly trained police officer si Lt Gen Carlos dahil sa iba’t ibang matataas na posisyon na kaniyang pinamunuan kabilang dito ang kaniyang mga critical assignments sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Kilalang combat officer din si Carlos matapos madestino sa mga NPA infested areas.
Nanguna din ito sa pagsalakay sa mga shabu laboratories nang maitalaga sa
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Anti-Illegal Drug Operations Task Force (AIDSOTF) bilang intelligence operative.
Recipient din ang heneral ng iba’t ibang matataas na parangal, kabilang dito ang ang Metrobank Foundation Incorporated’s 2009 Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS) lifetime achievement awardee.
Una nang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ańo na may tatlo hanggang limang pangalan ang kaniyang inirekomenda sa pangulo para pagpilian.
Sinabi ng kalihim na seniority, merit at service reputation ang kaniyang magiging basehan sa pagrekumenda.
Gayunpaman sinabi ni Sec Ano, na ang pangulo pa rin ang magdesisyon kung sino ang kaniyang pipiliin para maging kapalit ni Gen. Eleazar.