Kinumpirma ng abogado ni retired Police Colonel Royina Garma na siya ay nag-apply ng asylum sa Estados Unidos. Ayon kay Atty. Emerito Quilang.
Nag-file umano si Garma ng asylum noong Nobyembre 2024 kasunod ng kanyang pagkaka-aresto sa US dahil sa kanseladong visa.
Sinabi ni Quilang na ang unang hearing para sa asylum ay itinakda noong Abril 2, ngunit ito ay nakansela. Hindi binanggit ni Quilang ang mga detalye ng grounds para sa asylum, dahil may ibang abogado si Garma sa ibang bansa.
Bago umalis si Garma patungong US, siya ay inusisa sa mga pagdinig ng House Quad Committee kaugnay ng kontrobersyal na war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Garma, iniuugnay siya sa pagpatay kay Wesley Barayuga, ang dating PCSO board secretary, na kanya namang itinanggi. Kasama ni Garma sa kasong murder at frustrated murder si dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo.
Samantala patuloy na nakakulong si Garma sa US at sinabing lalabas lamang siya kapag na-aprubahan na ang kanyang asylum request. Kung hindi ito maaprubahan, posibleng gamitin ang extradition treaty para mabalik sa bansa si Garma.