-- Advertisements --
Gloria Macapagal Arroyo

Nagsalita na ang dating Presidente at ngayo’y Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo patungkol sa isyu sa BRP Sierra Madre, na iginigiit ng China na ipinangako ng Pilipinas na aalisin ito sa Ayungin Shoal.

Ani Arroyo sa isang pahayag, hindi raw siya kailanman gumawa ng ganoong pangako sa China o sa alinmang bansa at hindi nito pinahihintulutan ang sinuman sa kanyang mga opisyal na gumawa ng ganoong pangako.

Ginawa ni Arroyo ang pahayag ilang araw matapos ang kanyang dating tagapagsalita na si Rigoberto Tiglao ay nanindigan sa kanyang pahayag na si dating Pangulong Joseph Estrada ang nangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon pa kay Arroyo, kamakailan lamang niya ito nalaman nang lumabas ang usapin sa publiko.