-- Advertisements --
kalibo
Kalibo

KALIBO, Aklan – Na-impeksyon ang ari ng isang dating preso ng Aklan Rehabilitation Center (ARC) makaraang magpaturok umano ng “baby oil” habang nakakulong may isang taon na ang lumipas sa naturang kulungan.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si alyas Dexter, 26, walang asawa at residente ng Balete, Aklan matapos makaramdam ng matinding pananakit ng ari dulot ng pamamaga nito na kasinglaki na umano ngayon ng lata ng sardinas.

Halos limang araw na umano itong nilalagnat.

Ayon sa lalaki na pinilit lamang umano siyang turukan ng “baby oil” bilang bahagi ng initiation rites sa unang araw na pagpasok sa kulungan matapos siyang mahulihan ng sumpak noong nakaraang taon.

Sinabi umano ng mga dating kakosa na epektibong pampalaki ng ari ang pag-inject dito ng “baby oil.”

Wala rin aniya siyang ideya kung saan kumukuha ng syringe ang mga dating kasamahan na karamihan ay nadala na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.