Kumanta si dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager at Retired PCol. Royina Garma na minsan na siyang tumanggap ng pabuya sa ilalim ng reward system ng war on drugs ng dating administrayong Duterte.
Batay sa isinumiteng affidavit ni Garma, sinabi nitong ang kanyang pabuyang natanggap ay matapos ang kanilang matagumpay na operasyon sa ilalim ng madugong drug war.
Ayon kay Garma, dalawang beses siyang nakatanggap ng pabuya nang may mapatay sa kanilang mga ikanasang anti-ilegal drug operations.
Nabatid na ang isang pagkakataon na nakakuha siya ng reward ng magsilbi itong station commander sa Davao City kung saan isang drug personalities ang nabaril ng pulisya at nasawi sa ospital.
Aabot aniya sa P20,000 ang kanyang natanggap mula kay Sgt. Suan na inabot Naman ni Boy Alice.
Sa pangalawang pagkakataon na nakatanggap ito ng pabuya ay matapos mamatay ang isang pusher sa isang gasolinahan sa parehong lungsod .
Paliwanag ni Garma, ang pabuya ay naka depende sa drug personalities na mapapatay sa operasyon na maaaring umabot ng isang milyong piso.
Kung maaalala, sinasabing libo-libong indibidwal ang napatay sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.