Arestado ang isang lalaking nagpakilalang dating pulis nang magtangka itong magpasok ng mga armas sa loob ng National Headquarters ng Philippine National Police sa Kampo Crame, sa Quezon City.
Sa ulat, natuklasan ng mga otoridad na mayroong dala-dalang armas ang lalaki nang inspeksyunin ng mga police officers ang kaniyang sasakyan na pumasok sa Gate 2 sa Camp Crame.
Nang buksan ng mga nakaduty na pulis ang trunk ng sasakyan ng suspek ay tumambad sa mga ito ang iba’t-ibang uri ng mga armas na dala-dala nito.
Dahil dito ay agad na dinala sa Headquarters Support Service office sa gate 1 ang suspek at sasakyan nito para sa kaukulang imbestigasyon kung saan naman napag-alaman na mayroon itong dalang apat na shotgun, 11 handguns, at maraming rounds ng ammunition batay sa kanilang inventory.
Bukod dito ay nakitaan din ng iba’t-ibang mga identification card ang suspek mula sa loob ng kaniyang sasakyan.
Kasunod nito ay dinala naman sa Criminal Investigation and Detection Group ang lalaki para pa rin sa mga kaukulan pang imbestigasyon.
Ayon sa Pambansang Pulisya, sa oras na mapatunayan na walang mga legal na dokumento ang mag armas na dala na ito ng suspek ay mahaharap siya sa patong-patong na reklamo for illegal possession of firearms and ammunition at magging sa paglabag sa election-related gun ba