-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Matapos ang greyhound sa luob ng presento ng Makar Police station pinasiguro ng pulisya na hinde na makapasok pa ng selda ang mga lata ng sardinas na maaring gamitin sa paggawa ng matutulis na bagay na ginamit sa pananaksak na nagresulta sa pagkamatay ng isang dating Pulis na nadakip sa kaso ng druga.

Ito ang sinabi ni City PNP Director Col Edilberto Tuson matapos inimbestigahan ang pagkamatay ni Elliver Cablitas 55 matapos sinaksak ng isa pang detainee na si Erwin Ginang 23 gulang na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness.

Ayon kay Tuson pasado ala 8 am ng umaga ng mangyari ang insidente ng natulog pa itong dati pulis kayat tinamaan ng dalawang beses sa dibdib na ikinamatay nito.

Agaran umanong dinala sa hospital ang biktima subalit dineklara itong patay. Habang kaagad namang inilabas ang suspek na nakunan ng improvised na kutsilyo na gawa sa dinikdik na lata ng sardinas at dinala sa investigation room.

Ayon kay Tuson pagsapit ng ala 3 ng hapon inagaw ng susepek ang baril ng isang pulis kayat nagkaruon ng agawan at duon nabaril ang suspek na si Ginang na nagresulta sa pagkamatay nito.

Lumabas sa imbestigasyon na Enero 2, 2022 nahuli itong suspek matapos nireklamo sa panggagahasa at ng maipasok sa selda nagkaruon umano ng iringan sa biktima.

Hinde umano natulog ang suspek at kinaumagahan nangyari ang insidente.

Nagpatuloy pa ang ginawang imbestigasyon kung paano nakapasok sa selda ang sinasabing lata ng sardinas na ginawang kutsilyo na ginamit sa krimen.

Nalaman din na naghihintay na lamang sa kanyang commitment order ang dati pulis kayat nasa selda pa ito ng maabutan ng suspek.