-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng PNP IMEG ang isang dating pulis na nagpapakilalang isang police colonel at anim na kaniyang kasamahan dahil sa reklamong extortion.

Nahuli ang mga suspeks sa isinagawang entrapment operation sa isang restaurant sa Maginhawa St, Teacher’s Village, Quezon City.

Kinilala ni B/Gen Thomas Frias, Jr., director ng IMEG ang suspek na si dating Patrolman Joaquin Flores Jr ng NCRPO.

Nakilala din ang mga kasamahan nito na sina:
Domingo Corpuz;
Renz Manago;
Elton Lopez;
Gabriel Momjuan;
Armando Silao, at
Ocito Cerilo Delmonte.

Sa report ni Gen Frias, naghain ng reklamo sa kanilang tanggapan si Vice Mayor Gerry Natanauan ng Talisay, Batangas, kung saan siya ay hinihingan umano ng P380,000 upang mapabilis ang release ng resolution ng kaniyang kaso sa Office of the Ombudsman.

Dahil dito agad isinagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.