BOMBO DAGUPAN – Nahulihan ng magazine ng baril ang dating punong barangay sa Brgy. Bani sa bayan ng Mangaldan,dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Raydyo Dagupan kay Councilor Aldrin Soriano, bagamat naging mapayapa ang takbo ng halalan sa naturang bayan, nagkaroon naman aniya ng kumosyon bago ang eleksyon na siyang kinasangkutan ng isang dating punog barangay ng nasabing barangay.
Aniya, isang magazine lamang ang nakumpiska ng kapulisan mula rito at hindi ang mismong baril.
Saad pa ni Councilor Soriano, napag alaman pa umanong tumatakbo bilang Kapitan ng kanilang barangay ang kaniyang anak.
Samantala, sa kabilang dako sa halalan, naging maaayos man ang halalan sa bayan ng Mangaldan may mga sinita naman aniya ang PPCRV sa ilang presinto na mga kandidatong nangangampanya pa rin sa mismong halalan.
Minabuti na lamang aniya ng nasabing samahan na pauwiin ang kanilang mga sinita.