-- Advertisements --

CEBU – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos si dating San Miguel, Bohol Mayor Virgilio “Dodong” Mendez bilang assistant secretary ng Department of Agrarian Reform.

Inanunsyo ng Malacañang ang pagtatalaga kay Mendez bilang DAR asec noong Huwebes, Nob. 17.

Pinirmahan ni Marcos ang appointment paper ni Mendez noong Nov. 11 ngunit ang impormasyon ay inilabas noong Nob. 17.

Bago ang kanyang bagong posisyon, si Mendez ay nagsilbi bilang alkalde ng bayan ng San Miguel, Bohol at naging national direktor ng National Bureau of Investigation.