Inalmahan ni si dating presidential spokesman Atty. Harry Roque ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inilabas laban sa kanya.
Ayon kay Roque, malinaw na harassment lamang ang ginagawa sa kanya.
Giit niya, ang tanging ibinabatong ebidensya sa kontra sa kaniya ay ang pagsama niya sa isang Katherine Cassandra Li Ong para magpa-reschedule ng arrears payment at ang hindi raw ma-establish na organizational chart na basta na lamang inilagay ang kanyang pangalan.
Inakusahan pa niya ang mga nagsusulong ng kaso na “witch hunt” ang mga ginagawang imbestigasyon.
Naniniwala raw siyang nais lamang patahimikin ang mga kritiko ng administrasyon.
Nangyari raw ang mga ganitong pagkaladkad sa kaniya sa mga isyu mula nang manawagan siyang gawing drug-free ang Malacanang, lalo’t may rebelasyon naman ang isang umano’y eyewitness na si Cathy Binag.
Giit pa ni Roque, walang rason para isang lookout bulletin dahil wala siyang planong iwanan ang Pilipinas.
Pagtitiyak pa nito, mahal niya ang bansa at haharapin umano ang mga nag-aakusang sangkot siya sa operasyon ng Philippine Offshore gaming Operators (POGO).
Dagdag pa niya, Pilipinas lamang ang kanyang bansang pinakamamahal.