-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkadismaya si dating Sen. Manny Villar sa pag-aresto kay dating Pang. Rody Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ng dating senador na una na niyang inaasam na mabigyan si Duterte ng oportunidad na depensahan ang kaniyang sarili sa mga korte sa Pilipinas – sa ilalim ng proteksyon ng mga batas ng bansa.

Tinukoy din ni Villar ang pag-aresto sa dating pangulo bilang masakit na pangyayari.

Aniya, masakit makita ang isang kapwa-Pinoy na walang ibang ginawa kungdi i-alay ang kaniyang sarili sa public service ngunit tuluyan ding kukunin at kakasuhan ng isang foreign entity

Binigyang-diin ng business tycon na ang dating pangulo ay isang napakabuting kaibigan na ginugol ang buong panahon para pagsilbihan ang publiko.

Naniniwala naman si Villar na magsasagawa ang ICC ng patas na judicial proceeding at proprotektahan ang karapatan ng dating pangulo.