-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mariing itinanggi ni dating Sen. Manny Pacquiao ang mga lumalabas na report sa social media na naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan kay Pacquiao, kanyang inihayag na walang problema ang kanilang relasyon kung saan naiinggit lang sa kanila ang nagpapalabas ng peke na report.

Dagdag pa nito , gusto ni Jinkee na paimbestigahan kung sino ang nagpalabas ng naturang impormasyon.

Napag-alaman na ilang araw na naging usap–usapan sa social media na naghiwalay na umano ang mag-asawa dahil sa pangangaliwa ng Jinkee.

Habang noong isang araw ay magkasama ang mag-asawa na naging ninong at ninang sa kasal ng anak ng kanyang kapatid si dating Rep. Bobby Pacquiao at GenSan Mayor Lorelie Pacquiao.