-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagpasaring muli si ex- Senator Manny Pacquiao sa mga naglabas ng noon ay report sa social media na naghiwalay na sila ng kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao.

Sa naging mensahe nito bilang panauhing pandangal sa Pasigarbo 2023: Kalilangan Grand Opening kagabi, iginiit niya na hayaan na lamang ang isyu dahil hindi naman ito totoo.

Marami ang kinilig ng ibinunyag nito na mas naging espesyal ang pagdiriwang dahil kahapon rin ang araw kung kailan sinagot siya ni Jinkee bilang kasintahan.
Una rito, sa naging exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan ay una ng mariing itinanggi ni Pacquiao sa na hiwalay na sila si Jinkee.
Napag-alaman na naging usap–usapan sa social media na naghiwalay na umano ang mag-asawa dahil sa pangangaliwa ni Jinkee.