-- Advertisements --

Naghain ng supplemental affidavit sa Department of Justice si dating Senador Antonio Trillanes IV ngayong araw.

Ito ay kinalaman sa naunang drug smuggling at graft complaints na kanyang inihain laban kay Davao City Rep. Paolo Duterte at iba pang indibidwal.

Kung maaalala, inakusahan ni Trillanes si Rep. Paolo Duterte na sangkot sa umano’y P6.4 billion shabu shipment na naharang noong 2017.

Kabilang sa mga unang sinampahan ng reklamo noong Hulyo 2024 ay sina Atty. Mans Carpio ang asawa ni VP Sara Duterte , dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at iba pa.

Nag-ugat ang reklamo sa mga nakumpiskang 602.2 kilograms ng crystal meth noong May 2017 na nagkakahalaga ng P6.4 billion na sinasabing imported mula sa China at dumaan sa Bureau of Customs express lane.

Wala pang inilalabas na komento sa ngayon ang kampo ni Davao City Rep. Paolo Duterte.