Kinumpirma ng pamilya ni dating Sen. Rene Saguisag ang pagpanaw ng dating mambabatas sa edad na 84.
Ayon kay Rebo Saguisag, labis ang kanilang pagluluksa sa pagyao ng kanilang minamahal na dating mambabatas, guro, kaibigan at magulang.
Ipinanganak si Saguisag sa Mauban, Quezon noong Agosto 14, 1939.
Matatandaang naluklok si Saguisag sa Senado mula 1987 hanggang 1992, kung saan namuno ito bilang chairman ng Senate committee on ethics and privilege.
Nagtapos siya ng Bachelor of Arts degree sa San Beda College bilang cum laude at kalaunan ay kumuha rin ng Bachelor of Laws degree sa kaparehong pamantasan.
Napangasawa naman niya si Dulce Quintans, kung saan pumanaw naman ito noong 2007.
“It is with great sadness that I announce the passing of a true warrior, a dear family friend, teacher, senator and dad. We will miss you, Tito. Embrace your wife in heaven. You have fought a good fight and you have finished the race. Job well done. Sen. Rene Saguisag, you were truly a beacon of hope. He is an ETON Pillar of Hope Awardee and has inspired the next generation to serve our country with excellence, honesty and reliability. We love you. Please include him in your prayers,” Jacqueline Marzan Tolentino, pamangkin ni Saguisag.