-- Advertisements --

Nakibahagi na rin si dating Senator Leila de Lima sa paglulunsad ng ‘Duterte Panagutin’ Campaign Network.

Si De Lima ay kilalang kritiko ng mga Duterte at nakulong ng mahigit pitong taon dahil sa mga gawa-gawang kaso na inihain ng dating administrasyon at kalaunan ay napawalang sala ito.

Dumalo ang dating senador sa naturang event na kung saan ay naglalayong makamit ang katarungan ng hustisya ng mga nakaranas ng pang-aabuso ng dating pangulo.

Binubuo ng ibat-ibang  civil society group ang naturang network na nagsama-sama para sa iisang layunin.

Naniniwala si De lima na kailangang mapanagot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin aniya sa mga malinaw na violation nito sa human rights.

Hinikayat rin ng grupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawin ang tama para managot sa batas si Duterte.

Pinapamadali rin nito sa ICC ang paglilitis sa kaso ng dating pangulo.