-- Advertisements --
Sinabi ni dating senador Panfilo Lacson na siya ay tatakbo sa pagkasenador bilang independent candidate kahit na kabilang sa senatorial slate ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
Sinabi ni Lacson na kasama siya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas administration coalition dahil naging guest candidate siya ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Ang administration coalition ay binubuo ng mga kandidatong inihain ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), NPC, Lakas-Christian Muslim Democrats at Nacionalista Party ni Marcos.
Ngunit nilinaw ni Lacson na ipinagmamalaki niyang maging bahagi ng administration coalition para sa midterm elections, dahil hinahangad niyang makabalik sa Senado matapos ang kanyang bigong presidential bid noong 2022.