Ibinunyag ng dating sexy actress na si Aya Medel na dumanas siya ng brain aneurysm.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan noong ito ay naka-confined sa Cardinal Santos Hospital sa lungsod ng San Juan.
Kuwento nito na maraming mga nagtakang mga followers niya kung bakit hindi na ito aktibo sa social media.
Ikinokonsidera niya na isa lamang siya sa mga maraming survivors na dinapuan ng nasabing kondisyon.
Pinasalamatan nito ang kaniyang pamilya, medical staff at mga suki niya sa kaniyang restaurant na hindi umalis habang ito ay nagpapagaling.
Hindi na nagbigay pa anumang detalye ang dating sexy actress kung kailan at ilang buwan ito nagpagaling.
Base sa US’ National Institute of Neurological Disorders and Stroke, na ang brain aneurysm ay sanhi ng maglaki ng artery sa utak dahil sa pressure sa ugat at tisyu sa utak na maaring mauwi sa hemorraghic stroke, coma at pagkamatay.