-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Aabot sa ₱714, 000.00 ang halaga ng 105-gramo ng suspected shabu na nakumpiska sa inilunsad nga drug buy-bust operation pasado alas-9:38 kagabi sa may Brgy. Baan Km. 3, nitong lungsod ng Butuan.

Nakuha ito mula sa posisyon sa naarestong dating sundalong si alyas GarDal, isang high-value individual o HVI, 38-anyos, ulitawo ug residente sa Purok 5, Brgy. Caasinan, Cabadbaran City, lalawigan ng Agusan del Norte.

Kasama sa nakuha mula sa suspetsado ang isang keypad cellphone; dalawang IDs, 3 ATM cards; mga personal na gamit, isang motorsiklo at susi nito.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Philippine National Police – Drug Enforcement Unit,Butuan City Police Station 1 at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA -Caraga.

Ang suspetsado at ang nakumpiskang mga gamit pati na ang isang one-thousand peso bill na marked money na inilagay sa itaas ng 149 kagayang halaga ng mga boodle money, ay nai-turn over na sa imbestigador ng kaso habang ang suspected shabu naman ay isinumite sa RFU-13 para sa dangerous drug examination.