-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Dead on the spot ang isang sundalo sa nangyaring shooting incident sa Barangay Palali 1 Macarthur, Leyte.

Kinilala ang namatay na si Antolino Bugal, nasa hustong gulang at nakatira sa probinsya ng Southern Leyte.

Ayon kay Pol. S/Sgt Allan Prado, imbestigador ng McArthur Municipal Police Station, batay sa kanilang nakuhang impormasyon ay mula ang biktima sa Southern Leyte at pagdating nito sa barangay ng Mcarthur ay doon na ito pinaulanan ng bala ng isang pick up.

Hindi na umabot ng buhay ang biktima sa ospital dahil na rin sa natamo nitong sugat sa katawan.

Maliban sa namatay, isa naman ang naitalang sugatan.

Samantala, nakuha sa crime scene ang aabot sa 17 basyo ng bala ng high powered fire arm.

Inaalam pa ng kapulisan kung ano ang naging motibo sa pananambang.