-- Advertisements --

Humina na bilang low pressure area (LPA) ang dating super typhoon Wutip at may local name na bagyong “Betty.”

Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, naapektuhan ito ng ibang weather system habang nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa layong 1,380 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Sa kasalukuyan ay wala itong anumang epekto sa alinmang bahagi ng ating bansa.

Ang umiiral pa rin umano sa malaking parte ng Pilipinas ay hanging amihan na maaaring magdala ng maulap na papawirin, malamig na hangin sa madaling araw at paminsan-minsang buhos ng ulan.