-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinayuhan ng Securities and Exchange Commission (SEC) Davao ang publiko laban sa investment scheme na Mer’s Business Center.

Ayon sa SEC ang head office ng nasabing investment scam ay nasa General Santos City kung saan ang founder nito ay nakilalang sina Reynaldo Abing Camingawan at Roger Abing Camingawan.

Sinasabing may mga branches ang nasabing scam sa Davao Region (Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao del Sur, Davao Oriental at Davao de Oro).

Dagdag ng ahensiya na sanay magsilbing leksiyon sa publiko ang parehong investment schemes na sa huli ay marami ang naging biktima at hindi na naibalik ang milyong halaga ng pera mula sa mga investors.

Sinasabing wala itong pinagkaiba sa Kapa Community Ministry International, Inc. (Kapa), ALMAMICO (Alabel-Maasim Small Scale Mining Cooperative)/ALAMCCO (Alabel-Maasim Credit Cooperative), Rigen Marketing, at marami pa.

Nabatid na si Roger Abing Camingawan ay isa sa dating tauhan ng KAPA founder na si Joel Apolinario.