-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating team owner ng Philippine Basketball Association (PBA) na Lina Group of Companies (OneLGC) na si Alberto “Bert” Lina sa edad na 76.

Kinumpirma ito ng kumpanya subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.

Si Lina ay siyang may-ari ng mga koponan gaya ng FedEx, Air21, Burger King at Shopinas sa PBA.

Bukod sa basketball ay sangkot din siya sa ilang sports gaya ng cycling at golf.
Ginawaran rin siya ng Papal Award Pro Ecclesia et Pontifice mula sa Archdiocese of Manila.

Noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay naging commissioner siiya ng Bureau of Customs sa taong 2005.