Tuluyan ng nakalaya ang dating Prime Minister ng Thaliand na si Prime Minister Thaksin Shinawatra.
Ang daitng 74-anyos na dating Prime Minister kasi ay nabigyan ng parole matapos na magsilbi ng isang taon sa kulungan dahil sa kasong kurapsyon at abuse of power.
Noong Agosto ng nakaraang taon ay agad itong ipinakulong pagdating sa Thailand mula sa 15 taon na self-imposed exile.
Dahil sa reklamo nito sa kaniyang kalusugan ay doon siya ikinulong sa police hospital.
Ang orihinal na walong taon na hatol nito ay binawasan ng hari ng Thailand ilang araw mula ng makabalik ang dating prime minister sa kanilang bansa.
Umani naman ng batikos mula sa ilang mamamayan ng Thailand ang pagpapalaya sa dating prime minister dahil sa hindi sapat na mapalaya ito agad sa bigat ng kasalanan nito.
Taong 2008 ng ito ay umalis sa Thailand matapos na mapatalsik dahil sa kudeta kung saan nanatili ito sa London at Dubai para sa kaniyang self-exilde.
Siya ang unang prime minister sa kasaysayan ng Thailand na nahalal na natapos ang termino mula 2001 hanggang 2006.