Pinirmahan na ni outgoing US President Donald Trump bilang batas ang coronavirus relief and spending package bill o COVID-19 relief bill.
Si Trump ay paunang tumanggi na pirmahan ang panukalang batas at nagsasabing nais niyang bigyan ang mga tao ng mas malaking ayuda sa panahon ng krisis.
Nangangahulugan ang pagkaantala kung saan milyun-milyong mga Amerikano ang pansamantalang nawalan ng mga benepisyo sa kawalan ng trabaho.
Ang relief package na nagkakahalaga ng $900 billion dollars ay naaprubahan ng Kongreso pagkatapos ng ilang buwan ng negosasyon.
Bahagi ito ng $2.3 trillion spending package kasama ang $1.4 trillion sa normal na paggasta ng federal government.
Kung hindi aniya nilagdaan ni Trump ang panukalang bata, magsisimula ang isang bahagyang pagsasara ng gobyerno maliban kung humabol na magpasa ang mga mambabatas ng isa pang panukalang batas.
Humigit kumulang na 14 milyong mga Amerikano sana ang hindi mababayaran ng unemployment benefit .
Sa ngayon, marami ang nagtaka kung bakit napagdesisyunan na kumambiyo ni Trump at pirmahan na rin ang panukalang batas.
Marami naman ang naniniwala na “na-pressure” ito mula sa magkabilang panig ng Kongreso.
“I simply want to get our great people $2000, rather than the measly $600 that is now in the bill. Also, stop the billions of dollars in “pork,” patuloy na paggigiit ni Trump sa serye ng mga texts. “$2000 + $2000 plus other family members. Not $600. Remember, it was China’s fault!” (with reports from Bombo Jane Buna)