-- Advertisements --
Pinatawan ng contempt of Congress ang dating trade adviser ni ex-US President Donald Trump na si Peter Navarro.
Ito ay dahil sa hindi pagdalo sa mga subpoena mula sa House select committee.
Kasama kasi si Navarro na iniimbestigahan sa January 6, 2021 attack sa US Capitol.
Siya na ang pangalawang dating aide ni Trump na hindi dumadalo sa mga pagdinig ng mga mambabatas na ang una ay si Steve Bannon.
Nakatakdang iapela naman ni Navarro ang nasabing kaso base sa executive privilege issues.