-- Advertisements --
image 225

Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang dating punong ministro ng United Kingdom na si Tony Blair ay interesado na suportahan ang mga railway projects ng Pilipinas.

Si Bautista ay bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sa Davos, Switzerland kung saan kalahok si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023 World Economic Forum.

Aniya, personal niyang naibahagi kay dating United Kingdom prime minister ang mga proyekto ng Department of Transportation at interesado umano ang punong ministro na suportahan ang mga ito.

Nauna rito, ibinunyag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nakakuha na ang Department of Transportation ng mahigit $6 milyon o mahigit P329milyong piso para sa feasibility studies ng ilang railway projects.

Ayon kay Bautista, mahalagang pag-usapan ang mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno sa iba’t ibang pinuno ng industriya.

Nauna nang sinabi ng Palasyo na ang investment pitch ni Marcos para sa Pilipinas ay nakatanggap ng napakapositibong tugon mula sa ilan sa mga nangungunang chief executive officer at investment expert sa iba’t ibang panig ng mundo.