-- Advertisements --
Ex-US Sen. Richard Lugar
Ex-US Sen. Richard Lugar with former US Pres. Barack Obama

WASHINGTON – Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagkamatay ni dating US Sen. Richard Lugar sa edad na 87.

Si Lugar ay kilal bilang “soft-spoken foreign policy powerhouse” na kampeyon sa nuclear nonproliferation sa loob ng 36 taon sa US Senate.

Ayon sa Lugar Center, Washington-based nonprofit, namatay ang dating mambabatas sa Inova Fairfax Heart and Vascular Institute sa Virginia dahil sa kumplikasyon sa demyelinating polyneuropathy (CIDP).

Naging alkalde rin si Lugar sa Indianapolis mula 1968 hanggang 1975 bago naging senador mula 1977 hanggang 2013.

Siya ang longest-serving senator ever sa Indiana.

Ilang martial law veterans naman sa Pilipinas ang nagbalik tanaw sa naging mahalagang papel ni Lugar sa anti-Marcos campaign noon.

Ayon sa ilang mga tagamasid ng kasaysayan noong taong 1986 ay kinampihan ni US President Ronald Reagan ang panalo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, kahit laganap umano ang dayaan.

Pero kinontra ito ni Lugar at pumunta pa ng Pilipinas bilang election observer at pinagsabihan si Reagan na ito ay “misinformed” sa kanyang pananaw kay Marcos.

Dahil sa impluwensiya ni Lugar, nagbago ang pagtingin ng US government at itinuon ang atensiyon sa pagsuporta sa oposisyon sa pamamagitan ng kandidato noon na si Corazon “Cory” Aquino.

Si Lugar ay naging Republican presidential candidate rin sa Amerika pero hindi ito pinalad sa kanyang ambisyon.