-- Advertisements --

Hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) at Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa Surigao City, Surigao del Norte ang isang dating bise presidente at manager ng isinarang Surigao City Evergreen Rural Bank, Inc. (SCERBI) dahil sa paglabag sa General Banking Law of 2000, New Central Bank Act, at ang Revised Penal Code.

Ang conviction ay nagmula sa criminal complaint na inihain ng BSP laban kay dating bank manager na si Arnel Bernales dahil sa pamemeke at paggawa ng siyam na fictitious loan accounts at paggawa ng maling detalye ng loan listing na isinumite sa regular na BSP examination.

Parehong hinatulang guilty ng RTC at MTCC sa Surigao si Bernales at hinatulan siya ng limang taong pagkakakulong para sa bawat isa sa 10 bilang ng paglalabas ng maling impormasyon, at hindi bababa sa anim na buwan hanggang sa maximum na dalawang taon at apat na buwang pagkakakulong na may multang P2,000 para sa bawat isa sa siyam na bilang ng pamemeke ng mga dokumento.

Ang BSP ay patuloy na nagsusulong ng mga umiiral na tuntunin at regulasyon sa pamamagitan ng mabuting pamamahala sa mga pinangangasiwaang institusyon nito upang protektahan ang kapakanan ng publiko at pagyamanin ang stable financial system.